*Wala ng mabibili na NFA rice ngayon sa Cotabato City.Ito naman ang inihayag ng isang rice traders at accredited na retailers ng NFA region 14 na si Datukan Salik…Sa panayam natin sa kanya kahapon sinabi nito na hindi pa daw magrerelease ngayon ng bigas ang NFA Maguindanao na pinumunuan ni Rosita Machutes, dahil wala daw dumating na stocks.*
*Nagtataka umano si Datukan Salik kung bakit naubos agad gayun noong buwan ng october ay nanawagan pa daw ang dating director ng NFA 14 na tulungan silang e-disposed ang NFA rice na mahigit pasa isang daang libong sako noong october…*
*Ngayon buwan ng enero ay marami ang naghahanap ng NFA rice sa mega market ngunit wala silang maibigay dahil walang stocks. Ngayon mahal ang mga bilihin ay isa sa tinatakbuhan ng mga kababayan natin ang makabili ng NFA tice dahil mura lang ang kilo na mabibili sa 27 pesos kada kilo.*
*Samantala sa kabila ng kawalan ng supply ng NFA rice ngayon ay marami parin sa mga negosyante ang nagsasamantala…Inihayag ng isang rice traders na meron ilang negosyante ang nakabili ng NFA rice sa davao area at dinadala sa north cotabato at doon ay pinapalitan lang ng sako ang bigas at maging commercial rice na ang pagpapabenta…Inihayag din nito na meron namang negosyante na nagmi-mix ng bigas na NFA at sinandomeng at ang kinalabasan nito ay sinandomeng na ang presyo..Anya pa magandang klase daw yung bagong dating na NFA rice na aninoy commercials rice ang kulay.*
Wala na raw supply ng NFA rice sa merkado
Facebook Comments