WALANG BANTA | PNP walang namo-monitor na specific threat sa pagbisita ni Pres. Jinping

Manila, Philippines – Walang namo-monitor na anumang banta sa seguridad ang Philippine National Police (PNP) para sa nakatakdang pagdating bukas sa bansa ni Chinese President Xi Jinping.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Benigno Durana nanatiling payapa at maayos aniya ang mga paghahanda para sa pagdating ng Chinese president.

Pangungunahan aniya ng Presidential Security Group (PSG) ang pagbabantay sa Chinese President.


Pero nakaalalay naman ang mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ang NCRPO aniya ang magpapanatili ng mahigpit na seguridad sa mga matataong lugar na pupuntahan ni President Xi Jinping.

Babantayan rin nila ang mga magsasagawa ang kilos protesta, pero nilinaw ni Durana na kapag wala aniyang permit mula sa Local Government Unit (LGU) ay hindi papayagang mag-rally ang anumang grupo dahil mahigpit na ipapatupad ang no permit no rally.

Hiling naman ni Durana sa mga magsasagawa ng protesta na gawin ito mapayapang paraan.

Ang civil disturbance management unit aniya ng NCRPO ang haharap sa mga magsasagawa ng protesta bukas.

Facebook Comments