Arestado ang isang wanted person sa kasong Slight Physical Injuries matapos ang isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Pangasinan 2nd Provincial Mobile Force Company sa Barangay Sto. Domingo, Tayug, Pangasinan noong Nobyembre 8, 2026.
Kinilala ang akusado na isang construction worker at residente ng Tayug, na nahaharap sa kasong paglabag sa Article 266 ng Revised Penal Code o Slight Physical Injuries.
Pinangunahan ng Pangasinan 2nd PMFC bilang lead unit ang operasyon, katuwang ang Tayug Municipal Police Station, Station 1 ng Baguio City Police Station, at Mayantoc Municipal Police Station.
Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest na walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado.
Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Station 1 Baguio City Police Station ang naarestong indibidwal para sa kaukulang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








