Apektado ng pagkawala ng suplay ng kuryente ang buong Bayambang at Basista, gayundin ang ilang barangay sa Urbiztondo, Alcala, Malasiqui at San Carlos City sa Sabado, Nobyembre 28, 2026.
Ito ay matapos ilabas ang advisory ng Central Pangasinan Electric Cooperative (CENPELCO) ukol sa isasagawang power service interruption mula alas-7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon upang bigyang-daan ang aktibidad ng lokal na pamahalaan ng Bayambang.
Bukod sa buong Bayambang at Basista, kabilang sa maaapektuhang lugar ang Pasibe East, Pasibe West, Bituag, Balangay, Batangcaoa, Duplac at Malaca sa Urbiztondo.
Apektado rin ang mga barangay ng Curareng, Caranglaan at Ataynan sa Alcala; Olea at Gatang sa Malasiqui; at Balite Sur Palospos sa San Carlos City.
Pinayuhan ng electric provider ang mga residente sa mga apektadong lugar na paghandaan ang pagkawala ng suplay ng kuryente sa loob ng itinakdang oras.
Ayon sa CENPELCO, maaari maibalik ang kuryente nang mas maaga o lumampas sa schedule depende sa aktuwal na takbo ng trabaho, kaya pinapayuhang ituring na energized ang mga linya at kagamitan anumang oras. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











