Monday, November 9, 2026

LALAKI SA VILLASIS, PANGASINAN, ARESTADO DAHIL SA KASONG RAPE THROUGH SEXUAL ASSAULT

Arestado ng mga tauhan ng Villasis Municipal Police Station ang isang lalaki sa Villasis, Pangasinan dahil sa kasong Rape Through Sexual Assault.

Isinagawa ang pag-aresto sa pamamagitan ng LOI Manhunt Charlie Operation matapos ipatupad ang warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 50, First Judicial Region, Villasis, Pangasinan noong Setyembre 29, 2026.

May kaugnayan ang kaso sa Criminal Case Number V-3672, na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng ₱200,000 para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

Matapos ang pag-aresto, dinala siya sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at iba pang proseso bago ang kaniyang pagharap at pagsasailalim sa kustodiya ng kinauukulang hukuman.

Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng Villasis Municipal Police Station ang akusado habang hinihintay ang kaukulang disposisyon ng kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments