Weather Update

Manila, Philippines – Tuluyan nang nalusaw ang Low Pressure Area na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Pero isa pang LPA sa labas ng PAR, partikular sa silangan ng Mindanao ang binabatanyan ng PAGASA.

Magdadala ito ng katamtaman hanggang sa malakas na mga pag-ulan sa Palawan, CARAGA at buong kabisayaan.


Tail end ng cold front pa rin ang nagpapa-ulan sa Albay, Sorsogon, Masbate at Romblon.

Kalat-kalat na pag-ulan naman ang mararanasan sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Aurora at Quezon province dahil sa epekto ng hanging amihan.

Habang sa Metro Manila, asahan ang magandang panahon maliban sa mga isolated rain shower.

Facebook Comments