WEATHER UPDATE | Easterlies, patuloy na nakaka-apekto sa silangan bahagi ng bansa

35

Manila, Philippines – Patuloy na nakakaapekto sa silangan bahagi ng bansa
ang easterlies kaya’t asahan na ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat
na pag-ulan at thunderstorm sa Samar province.

Habang hangin amihan naman ang umiiral sa dulong hilagang Luzon kaya’t
asahan ang maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan sa Batanes.

Asahan naman ang maaliwalas na panahon sa Metro Manila at sa nalalabing
bahagi ng bansa pero may posibilidad na may pulo-pulong pag-ulan dahil sa
localized thunderstorm.

Wala din nakataas na gale warning kaya’t ligas na pumalaot ngayon ang mga
mangingisda.

Sunrise: 6:02am

Sunset: 6:06 pm

Facebook Comments