GALIT NA GALIT | P-Duterte, maga ang kamay matapos suntukin ang pader ng Malacañang dahil sa galit sa pagkakabasura sa mga kaso ng mga drug lords

Manila, Philippines – Aminado ngayon si Presidential Spokesperson Harry
Roque na hindi niya alam na sinuntok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pader
sa MalacaƱang dahil sa galit sa pagkakabasura ng Department of Justice
(DOJ) sa mga kaso laban sa ilang drug lords.

Ito ay kasunod ng naging pahayag ni Philippine National Police (PNP) Chief
Director General Ronald ā€œBatoā€ Dela Rosa kung saan ginawa ito ng Pangulong
Duterte matapos malaman ang desisyon ng DOJ sa kaso laban kina Kerwin
Espinosa, Peter Lim at 20 iba pa dahil sa mahinang ebidensya.

Sinabi pa ni Roque, magkasama sila ng Pangulo noong Martes hanggang alas
dose ng hatinggabi pero hindi niya ito nakitang nanuntok ng pader.


Samantala, hindi naman na nagbigay pa ng ibang detalye si Dela Rosa kaugnay
sa nasabing rebelasyon.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments