WEEKEND MASS VACCINATION SA MGA RESIDENTE AT EMPLEYADO NG MAPANDAN, ISASAGAWA PARA BILANG DAAN ANG MGA EMPLEYADO NA NAGTATRABAHO

23

MAPANDAN, PANGASINAN – Dumating sa bayan ng Mapandan ang maraming suplay ng bakuna kontra COVID-19 na nakatakda iturok sa mga residente nito.

Kaugnay naman nito ay inanyayahan ng lokal na pamahalaan ang mga residente na edad 18 pataas mula sa iba’t ibang sektor na magpabakuna na kontra COVID-19.

Ang ilan sa mga inanyayahan ay mga mula sa simbahan, mga nagtatrabaho at mga manggagawa na hindi kayang magpabakuna mula Lunes hanggang Biyernes.


Naglaan naman ang lokal na pamahalaan ng special schedule para sa vaccination activities mula October 23 – 24, 2021 para naman makapagbigay ng pagkakataon para sa mga ito na hindi makapunta.

Isasagawa ang mass vaccination sa Municipal Training Center ngayong araw Sabado, ala-8 hanggang ala-5 at Linggo ala-8 hanggang 12 ng hapon lamang.

Kailangan lamang magdala ng kopya ng I.D at sariling ballpen. Magsuot ng facemask at face shield.



Facebook Comments