Kalibo, Aklan — Base sa inilabas na datus ng Department of Health (DOH) 6, umabot na sa 353 ang kabuoang confirmed COVID-19 cases sa Western Visayas kung saan 194 dito ang active cases.
Sa 194 na ito ay 167 dito ang mga Locally Stranded Individuals (LSIs) at Repatriated Overseas Filipinos ( ROFs) kung saan 16 ang galing sa probinsya ng Iloilo, 10 sa Iloilo City at 1 sa Antique.
Sa 167 naman na mga LSIs at ROFs na ito ay 144 ang nasa quarantine facility, 8 ang naka home quarantine at 15 ang naka admit sa hospital.
Habang sa 16 naman na active cases galing sa probinsya ng Iloilo, 13 ang naka quarantine facility at 3 ang admitted sa hospital.
Sa 10 na active cases sa syudad ng Iloilo, 9 dito ang admitted at 1 ang naka home quarantine.
Sa Antique, nananatiling admitted ang nag iisang kaso sa kanilang probinsya.
Samantala, umabot na rin sa 148 ang naka recovered at 11 ang mga namatay.
Western Visayas may 194 na active COVID-19 cases, karamihan mga LSI at Repatriated OFW
Facebook Comments