Xyriel Manabat, pumalag sa ilang “below the belt” comments kaugnay sa kanyang boobs

1023

“Sexual harassment is never, never okay”

Ito ang buwelta ni Xyriel Manabat sa ilang netizen na “below the belt” ang komento sa pinost niyang larawan sa Instagram, partikular ang malaki niyang “hinaharap”.

Say ni Xyriel, hindi siya natutuwa sa ilang komento na tila pinagpapantasyahan ang kaniyang litrato na aniya ay isang malaking pambabastos.

Dagdag pa ng dating child actress, kailanman hindi katanggap-tanggap ang sexual harassment na isang malaking kasalanan.

Sinabi rin ni Xyriel, hindi makakatulong ang masamang pag-iisip lalo na ngayong marami ang nakakaranas ng mental health problem dahil sa pandemya.

Sa kabila nito, nagbigay payo si Xyriel na respetuhin natin ang isa’t-isa, wala sa edad, kasarian o sa suot ng isang tao.

Matatandaan, nagsimula ang karera ni Xyriel sa showbiz sa pagsali niya sa isang reality-based talent competition noong 2009.




Facebook Comments