Pinalalawak ang access ng mga iskolar sa mahahalagang serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng YAKAP Registration, katuwang ang City Health Office ng Dagupan.
Sa ilalim ng programa, mabibigyan ng pagkakataon ang mga iskolar na makapagparehistro upang maging mas accessible sa kanila ang mga pangunahing serbisyong pangkalusugan at mga benepisyong makatutulong sa pangangalaga ng kanilang kalusugan.
Binigyang-diin ng lokal na pamahalaan na hindi lamang edukasyon ang dapat tutukan sa pagsuporta sa mga kabataan, kundi maging ang kanilang kalusugan at pangkalahatang kapakanan.
Layunin ng inisyatiba na matiyak na habang nagsisikap ang mga iskolar na makapagtapos ng pag-aaral, nabibigyan din sila ng sapat na suporta upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan at well-being. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








