Kabilang sa mga kinilalang kooperatiba ang mga pinarangalan ng City Cooperatives and Development Office, kasabay ng pagkilala ng Cooperative Development Authority (CDA) Region I sa Alaminos City bilang isa sa Most Outstanding LGU CDA Partners sa ilalim ng Raniag Awards 2026.
Samantala, nagsagawa naman ng pormal na turnover ang Agricultural Biosystems Engineering Office ng mga Composting Facility for Biodegradable Waste o Vermicomposting Facilities sa mga piling paaralan upang maisulong ang wastong pamamahala at pagproseso ng mga nabubulok na basura.
Kinilala rin ng City Youth and Sports Development Office ang mga nagwagi sa kauna-unahang Pickleball Tournament at Inter-Barangay Basketball Tournament bilang pagkilala sa kanilang husay at partisipasyon sa larangan ng palakasan.
Kaugnay naman ng pagdiriwang ng National Children’s Month na may temang Little Mermaid, iginawad ng City Social Welfare and Development Office ang mga parangal sa mga nagwaging tanggapan sa Best Office Decoration Contest.
Nanguna bilang champion ang City Transportation Regulation Unit, sinundan ng Sangguniang Panlungsod bilang first runner-up at Alaminos City Tourism and Cultural Affairs Office bilang second runner-up.
Sa pamamagitan ng naturang aktibidad, kinilala ng lokal na pamahalaan ang mga kontribusyon at pagsisikap ng iba’t ibang sektor na patuloy na nakikibahagi sa mga programa at pagpapaunlad ng lungsod.
Nagpaabot naman ng pagbati ang Pamahalaang Lungsod sa lahat ng mga indibidwal, tanggapan, paaralan at organisasyong tumanggap ng parangal. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








