
Palalawakin ng Department of Health (DOH) ang ilang programa nito ngayong taon matapos aprubahan ang ₱448 bilyong budget ng health sector sa ilalim ng 2026 national budget.
Sa Malacanang press briefing, sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na maglalaan ang DOH ng ₱1 bilyon para sa pilot implementation ng Zero Balance Billing (ZBB) sa piling secondary at tertiary provincial hospitals na pinapatakbo ng mga LGU.
Uunahin ang mga probinsyang tumupad sa Universal Health Care commitments tulad ng Sarangani, Laguna, at Aklan.
Sa kasalukuyan, 83 DOH hospitals ang nagpapatupad ng ZBB para sa mga pasyenteng naka-admit sa basic o ward accommodation.
Tig-₱1 bilyon din ang ilalaan sa mga specialty hospitals kabilang ang Lung Center, Heart Center, NKTI, at Philippine Children’s Medical Center.
Tututukan din ng DOH ang nutrisyon at feeding program, pagbabakuna, at pagpapalakas ng primary care services.










