MGA PROGRAMA NG PNP, PATULOY NA ISINASAGAWA SA LUNGSOD NG SANTIAGO

23
Cauayan City, Isabela- Muling nagsagawa ang Community Out rich Program ang Santiago City Police Office sa pangunguna ni PMAJ Fedimer Quiteves, OIC Community Affairs Development Unit, kasama ang Traffic Enforcement Unit, Mobile Patrol Unit, Station 1, Station 2, Station 3, na ginanap sa Barangay Rizal, Santiago City bilang suporta sa mga programa ng PNP.

Nagsagawa rin ang kapulisan ng Santiago ng clean -up drive at pagtatanim ng mga punong kahoy sa paligid ng Santiago City East Central School.

Nagpakain rin sila sa mahigit walumpung mga studyante at naserbisyuhan naman ng libreng gupit ang mga kalalakihang dumalo sa programa.

Ang naturang programa ay bilang pagsuporta sa ELCAC program ng gobyerno para masugpo ang terorismo o insurhensiya sa bansa.

Facebook Comments