MANILA – “ZERO ENDO” AT “ZERO ILLEGAL CONTRACTUALIZATION”, TARGET NG DOLE BAGO MATAPOS ANG TAONG 2017Kumpiyansa ang Department of Labor and Employment (DOLE) na malaki ang posibilidad na makamit ng gobyerno ang “zero endo” at “zero illegal contractualization” sa bansa bago matapos ang taong 2017.Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na posible ang kanilang plano dahil na rin sa pakikipagtulungan ng mga employers.Sa ngayon, nasa 25-libong manggagawa na ang regular sa kanilang trabaho matapos ang ginawang negosasyon ng DOLE.Kaugnay nito, gagawin umano nila ang lahat para makuha ang target ng ahensya na matuldukan ang mga naturang usapin alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Duterte.Tiniyak din ni Bello na binabalanse ng ahensya ang kapakanan ng mga negosyante at manggagawa para kapwa makinabang ang mga ito.
“Zero Endo” At “Zero Illegal Contractualization”, Target Ng Dole Bago Matapos Ang Taong 2017
Facebook Comments