𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗚𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢; 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗞, 𝗜𝗦𝗔 𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔

Arestado ang 28 anyos na kinilalang si Rick Brend Español residente ng Brgy. Bonuan Binloc, Dagupan City matapos mahuling nagnanakaw ng mangga sa Brgy. San Miguel, Calasiao.

Nahuli mismo ng mga may-ari ang suspek sa aktong pagnanakaw ng mga bunga ng mangga.

Nadakip naman ng pamunuan ng barangay ang suspek at itinawag sa awtoridad. Nang kapkapan ito, nahuli sa kanya ang 0.155 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit isang libong piso.

Haharap ang suspek sa kasong pagnanakaw at paglabag sa RA 9165. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments