Arestado ang isang 32 anyos na lalaki matapos mahuli sa isang buy-bust operation na isinagawa ng Urbiztondo Police Station.
Ayon sa ulat, bandang alas-5:55 ng hapon nang April 12, 2026, naaktuhan ang suspek na nagbebenta ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu sa isang poseur-buyer.
Matapos ang transaksyon, agad na inaresto ang suspek at nakumpiska ang siyam pang sachet ng hinihinalang shabu, isang kalibre 38 na revolver, tatlong bala, isang itim na pouch, at isang motorsiklo.
Tinatayang may kabuuang timbang na humigit-kumulang 35 gramo ang nasamsam na ilegal na droga na may standard drug price na ₱238,000.
Nasa ilalim na ngayon ng Urbiztondo Police Station ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, gayundin sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







