Friday, April 10, 2026

π—œπ—¦π—₯π—”π—˜π—Ÿ, π—‘π—”π—šπ—Ÿπ—¨π—‘π—¦π—”π—— π—‘π—š π—”π—œπ—₯𝗦𝗧π—₯π—œπ—žπ—˜ 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π—™π—¨π—˜π—Ÿ 𝗦𝗧𝗒π—₯π—”π—šπ—˜ π—™π—”π—–π—œπ—Ÿπ—œπ—§π—œπ—˜π—¦ 𝗦𝗔 π—§π—˜π—›π—₯𝗔𝗑

β€ŽCauayan City – Naglunsad ng airstrike ang militar ng Israel laban sa ilang fuel storage facilities sa Tehran na umano’y ginagamit ng Iran upang suportahan ang mga operasyong militar nito.
β€Ž
β€ŽAyon sa Israeli Air Force, ang naturang β€œsignificant strike” ay bahagi ng patuloy na hakbang ng Israel upang lalong pahinain ang imprastraktura ng militar ng Iran. Iginiit ng Israel Defense Forces na magpapatuloy ang kanilang matinding operasyon upang alisin ang mga banta sa seguridad ng kanilang bansa.
β€Ž
β€ŽSamantala, nagbabala si Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos na maaari pang magkaroon ng panibagong pag-atake laban sa Iran sa gitna ng nagpapatuloy na digmaan na nagsimula isang linggo na ang nakalipas.
β€Ž
β€ŽSinabi naman ni Iranian President Masoud Pezeshkian na handang ihinto ng Iran ang mga pag-atake laban sa mga karatig-bansa, maliban na lamang kung ang mga pag-atake laban sa kanilang teritoryo ay magmumula sa mga ito.
β€Ž

Facebook Comments