DRUG-FREE COMMUNITY, PATULOY NA ISINUSULONG SA REGION 1

Pinagtibay ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1 (PDEA RO1) at Department of Health Treatment and Rehabilitation Center–La Union (DOH TRC-LU) ang kanilang ugnayan sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement (MOA) signing ceremony na isinagawa sa Camp Diego Silang, Carlatan.

Nakatuon ang kasunduan sa pagpapalakas ng kampanya sa drug awareness at pagpapatibay ng koordinasyon ng dalawang ahensya sa pagtugon sa mga isyung may kinalaman sa ilegal na droga sa rehiyon.

Layunin din nito na mapalawak ang pagbibigay ng mas episyenteng intervention para sa mga nangangailangan ng gamutan at rehabilitasyon, pati na rin ang mas accessible na serbisyong pangkalusugan.

Sa kabuuan, inaasahang makatutulong ang naturang inisyatiba sa pagsusulong ng isang drug-free na komunidad sa Region 1.

Samantala, patuloy ang PDEA sa pagpapatupad ng mga programa at hakbang upang higit pang paigtingin ang kampanya kontra ilegal na droga sa rehiyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments