Tuesday, May 26, 2026

Agarang pagpasa ng UPLIFT Bill sa Kamara, isusulong ng Malacañang

COURTESY: RTVMalacañang

Itutulak ng pamahalaan sa Kamara ang agarang pagpasa ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Bill para mapabilis ang paggamit ng pondo sa mga programa at proyekto ng gobyerno.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ito ang isa sa tinalakay sa UPLIFT Committee meeting sa Malacañang na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Layunin ng panukala na alisin ang dalawang taong pagbabawal sa pagsama sa budget ng mga item na idineklarang savings.

Kasama rin dito ang pagtukoy sa mga programa at proyekto na maaaring pondohan mula sa nakalaang pondo.

Papayagan din ng panukala ang paggamit ng unreleased appropriations at unobligated allotments mula sa 2025 budget, gayundin ng unreleased appropriations mula sa 2026 budget.

Sinabi ni Castro na inaasahang magiging prayoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang agarang pagpasa ng UPLIFT Bill dahil napapanahon ito.

Facebook Comments