Saturday, November 14, 2026

𝗠𝗚𝗔 𝗙𝗟𝗢𝗪𝗘𝗥 𝗩𝗘𝗡𝗗𝗢𝗥 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗦 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗨𝗡𝗗𝗔𝗦

CAUAYAN CITY, ISABELA — Mas mataas ang bentahan ng mga bulaklak sa ilang flower shop sa Cauayan City ngayong Undas 2026 kumpara noong nakaraang taon, batay sa naging karanasan ng mga nagtitinda.

Mas naging abala ang mga flower shop nitong Nobyembre 1 dahil sa pagdagsa ng mga mamimiling bumili ng bulaklak na kanilang iaalay sa puntod ng mga yumaong mahal sa buhay.

Sa panayam ng iFM News Team kay Jasmine Ammen, isang staff ng flower shop sa lungsod, sinabi nitong mas maganda ang kanilang naging benta ngayong taon kumpara sa nakaraang Undas.

Bukod sa magandang bentahan, tiniyak din ni Ammen na mayroon silang sapat na suplay ng mga bulaklak upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamimili sa kasagsagan ng Undas.

Mas marami ring naibentang bulaklak ang mga nagtitinda noong Nobyembre 1, kasabay ng pagdagsa ng mga pamilyang nagtungo sa mga sementeryo upang mag-alay ng bulaklak at gunitain ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Facebook Comments