π—£π—”π—šπ—•π—œπ—Ÿπ—œ π—‘π—š 𝗖𝗛π—₯π—œπ—¦π—§π— π—”π—¦ π——π—˜π—–π—’π—₯π—”π—§π—œπ—’π—‘π—¦ 𝗑𝗔 𝗠𝗔𝗬 π—œπ—–π—– π—¦π—§π—œπ—–π—žπ—˜π—₯ 𝗔𝗧 𝗀𝗖 𝗠𝗔π—₯π—ž, π—œπ—šπ—œπ—‘π—œπ—œπ—§ π—‘π—š 𝗕𝗙𝗣 π——π—”π—šπ—¨π—£π—”π—‘

Mariing iminungkahi ng hanay ng Bureau of Fire Protection (BFP) Dagupan ang kahalagahan ng mga standardized na mga produktong pangdisensyo kasunod ng pagdiriwang ng Holiday Season.

Sa naganap na Pantongtongan Tayo ng PIA Pangasinan, inihayag ni BFP Dagupan Deputy City Fire Marshal SFO3 Clemente Amante Battalao, kailangang suriin at tiyakin na ang mga nabibiling Christmas Decorations tulad ng Christmas Lights ay may ICC sticker at QC Mark.

Ito ay upang masiguro ang kaligtasan sa paggamit nito.

Dagdag niya, huwag mag-overload ng mga installations dahil posibleng pagmulan ito ng sunog.

Samantala, tiniyak ng ahensya na 24/7 ang kanilang operasyon at hinimok lalo na ang mga DagupeΓ±os na huwag mag-atubiling tumawag agad sakaling may maitalang insidenteng sunog. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments