Arestado ang Top 3 Most Wanted Person sa isinagawang pinaigting na operasyon ng pulisya sa Brgy. Poblacion, Sta. Barbara.
Nadakip ang suspek sa matapos ang isang masusing intelligence-driven at precision manhunt operation kaugnay ng warrant of arrest dahil sa apat na bilang ng sexual assault sa ilalim ng mg artikulo ay seksyon sa Revised Penal Code kaugnay ng RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.
Bawat bilang ay may inirekomendang piyansang nagkakahalaga ng ₱180,000.
Ayon sa pulisya, bahagi ang matagumpay na operasyon ng pinaigting na kampanyang “Manhunt Charlie” na naglalayong tugisin ang mga pinaghahanap ng batas.
Sa pamamagitan ng koordinadong pagkilos at matibay na intelligence build up, mabilis na natunton at naaresto ang akusado nang walang insidente.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Sta. Barbara Municipal Police Station ang suspek para sa kaukulang legal na proseso.
Hinimok ng pulisya ang publiko na manatiling mapagmatyag at makipagtulungan sa awtoridad sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon hinggil sa mga wanted na indibidwal, bilang bahagi ng layunin na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










