Bagama’t nanatili ang COVID-19 pandemic, nakalikom ang Marcos administration ng ₱149 bilyon na kita sa sektor ng turismo noong nakalipas na Nobyembre ngayong taon.
Batay ito sa year-end report ng Department of Tourism (DOT) sa Malacañang.
Sa ulat pa ng DOT sa Malacañang, umabot sa 2.4 million foreign tourists ang dumagsa sa bansa ngayong taong 2022 o 75% na target ng ahensya.
Para sa susunod na taon, target ng DOT ang 2.6 million international tourist arrivals sa low scenario at 6.4 million bilang high scenario.
Ang inisyatibong ito ng DOT ay kaugnay sa 7-point agenda na naglalayong mapaganda pa ang tourism infrastructure, digitalization at connectivity.
Samantala, plano rin ng Tourism Department na magbukas ng turismo sa Mindanao.
Maging ang pag-promote ang Halal tourism, pagsasagawa ng job fairs at pagpapalawig ng tourism opportunity markets.