Tuesday, May 19, 2026

Mga isyu sa Senate leadership, hindi dapat makahadlang sa pagsasagawa ng impeachment trial

Iginiit ni House Assistant Minority Leader and Kabataan Rep. Atty. Renee Co na hindi dapat mahadlangan ng anumang isyu sa liderato ng Senado ang proseso ng impeachment partikular ang pagsasakatuparan ng impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi ito ni Co kasunod ng pag-convene ng Senado bilang Impeachment Court.

Ayon kay Co, na itinalaga ring House Trial Spokesperson, magiging kasiraan sa serbisyo sa mamamayang Pilipino kung ma-de-delay ang paglilitis kay VP Duterte.

Diin ni Co, oras na ng pananagutan, at hindi ng simpatiya o pamumulitika.

Binanggit ni Co na iisa lang ang panawagan ng taumbayan at ay pagulungin na ang impeachment, at pagulungin na rin ang mga kurakot.

Facebook Comments