DOH, hinihintay na ang official guidance ng Malakanyang kaugnay sa boluntaryong pagsusuot ng face mask sa indoor areas

Hinihintay na ng Department of Health (DOH) ang official guidelines ng Malakanyang kaugnay sa boluntaryong pagsusuot ng face mask sa indoor areas.

Sinabi ni DOH Officer-in-Charge (DOH) Maria Rosario Vergeire na nire-respeto nila ang desisyon na ito ng Palasyo.

Ito ay bagama’t ipinaliwanag na aniya ng DOH sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang lahat ng maaaring maging senaryo sakaling ipatupad ang naturang kautusan.


Nagpaalala rin sa publiko si Vergeire na may banta pa rin ng virus kaya dapat pa ring mag-ingat ang bawat isa.

Patuloy niyang hinihikaya’t ang publiko na magsuot pa rin ng face mask, pairalin ang social distancing, magpabakuna at panatilihin na malinis sa katawan lalo na sa mga tutungo ng sementeryo ngayong Undas.

Facebook Comments