
Bilang bahagi ng intensified internal cleansing at zero-tolerance policy kontra illegal drugs, isinailalim sa surprise drug test ang ilang mga tauhan ng Northern Police District (NPD).
Partikular ang mga pulis na nakadestino sa District Drug Enforcement Unit (DDEU) at District Special Operations Unit (DSOU).
Isinagawa ang aktibidad matapos ang “Talk to Men” ni NPD Acting District Director PBGen. Benliner Capili kung saan kabilang ito sa kaniyang Six-Point Agenda upang maipakita ang pagiging profesional, integridad at pagiging displinado ng mga pulis sa CAMANAVA.
Hangad ng pamunuan ng NPD na masiguro na ang mga pulis na nankadestino sa nasabing departamento ay malinis sa droga at hindi kailanman gumamit nito.
Umaasa si Capili na magnenegatibo sa droga ang mga pulis kung saan ang magpopositibo naman ay siniaigurong mananagot at posibleng masibak pa sa serbisyo.
Muling paalala ng pamunuan ng NPD sa mga tauhan nito na gawin ng tama ang trabaho, pairalin ang kalinisan at kaayusan kung saan iwasan na masangkot sa mga iligal na aktibidad.










