Wednesday, May 20, 2026

Kampo ni Sen. Dela Rosa, maghahain ng Motion for Reconsideration sa pagbasura ng SC sa hiling na TRO

Iginiit ng kampo ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na hindi pa tapos ang laban makaraang ibasura ng Korte Suprema ang kanilang hiling na Temporary Restraining Order para huwag ipatupad ang arrest warrant laban sa kaniya ng International Criminal Court (ICC).

Sa inilabas na pahayag ng Torreon law firm na kumatawan para sa senador, iginagalang daw nila ang pasya ng Korte Suprema pero iginiit nila na ang ruling ay tumutukoy lamang sa provisional relief at hindi pa kaugnay sa ibang sa mismong constitutional issues ng kaso.

Binigyang-diin din ng kampo ni Dela Rosa na hindi pa raw ito pinal na pasya kung maaaring arestuhin, isuko, ilipat o ibigay sa foreign tribunal ang isang Pilipino nang hindi dumaan sa judicial process sa ilalim ng batas ng Pilipinas.

Dahil dito, nananatili raw buhay ang kaso at patuloy na diringgin ng Kataas-taasang Hukuman ang mga usapin kaugnay sa due process, soberanya, at saklaw ng kapangyarihan ng ICC sa bansa ngayong hindi na tayo miyembro ng Rome Statute.

Samantala, nakatakda namang maghain ng Motion for Reconsideration ang kanilang kampo at gagamitin din daw nila ang lahat ng legal remedy.

Facebook Comments