₱795K ASSISTANCE, TINANGGAP NG 53 OFW NA BENEPISYARYO NG ELPOR MULA SA DEPARTMENT OF MIGRANT WORKERS

Tinanggap ng 53 OFW na benepisyaryo ng Enhanced Livelihood Program for Overseas Filipino Workers Reintegration o ELPOR ang ₱795,000 assistance mula sa Department of Migration Workers – Regional Office 1 noong Setyembre 2, 2026.

‎Sa ilalim ng ELPOR tinutulungan ang mga balikbayang OFW na magkaroon ng hanapbuhay at bagong simula sa bansa

‎Nakatanggap ang bawat isang OFW ng ₱15,000 tulong pinansyal at pagkukunan ng panimula.


‎Bukod sa tulong pinansyal, inilapit din ang ibat ibang programa at oportunidad sa kanila.

‎Kabilang diyan ang K2K o Kakayahan to Kabuhayan, programa ng National Reintegration Network, 4PH o ang Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program, at ang DTI-SB Corp Negosyo Loan na makagbibigay sa mga balikbayan ng daan at pasimula na huhubog sa kani-kanilang kakayahan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments