MGA BATANG ATLETA NG DAGUPAN, HINAHASA NA PARA SA BATANG PINOY 2026

Hinahasa na ngayon sa Dagupan City Poolside ang husay at galing ng mga batang atleta na kalahok sa Batang Pinoy 2026 Swimming Selection.


‎Kasalukayan na silang nag e-ensayo kung saan bawat stroke sa tubig ay pagpapakita ng mga batang manlalangoy ang kanilang determinasyon na makamit ang kaalaman at maging karapat-dapat na kinatawan ng Dagupan City.

‎Patuloy namang ipinagkakaloob ang suporta para sa mga Atletang Dagupeño ng Lokal ng Dagupan pangunguna nina Mayor Belen T. Fernandez at Sports Development Officer IV Finnela T. Sim.

‎Katuwang din sa pagsasanay sina Head Coach Jeremy Carlo B. Jizmundo at ang mga dedicated swimming trainers na gumagabay sa mga atleta sa kanilang paghahanda.

‎Layunin ng selection na matukoy ang mga pinakamahusay na manlalangoy na maaaring kumatawan sa Dagupan City sa Batang Pinoy 2026 na siyang magdadala ng medalya at inspirasyon sa mga kabataan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments