Tampok sa 1st Vloggers Forum sa Alaminos City, Pangasinan ang talakayan uko; sa digital marketing at content creation na dinaluhan ng mga content creator at vlogger noong Nobyembre 26.
Isinagawa ang forum sa 1st District Congressional Office ng lungsod bilang venue ng talakayan at pagbabahagi ng kaalaman tungkol sa digital storytelling at paggawa ng online content.
Nagbigay ng lecture si Patrick Axle Xavier V. Adamos, founder at managing director ng isang digital marketing agency, hinggil sa digital marketing at content creation, na kabilang sa mga pangunahing paksa ng pagtitipon.
Ayon sa pamahalaang lungsod, target ng forum na mapalawak ang kaalaman ng mga content creator sa paggamit ng digital platforms at sa papel ng online storytelling sa pagbabahagi ng impormasyon sa kanilang mga komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











