𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢

Sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng dalawa katao sa naganap na aksidente sa bayan ng Calasiao.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Arnolfo Andaya residente ng bayan ng Malasiqui at Josephine Untalan residente ng bayan ng Calasiao.

Naganap ang aksidente sa bahagi ng Barangay Buenlag, pasado alas diyes ng gabi kung saan ay sakay ng kanyang motor si Andaya at binabagtas ang kahabaan ng nasabing barangay ng bigla umano tumawid si Untalan at aksidenteng nabangga.

Dahil dito ay tumilapon ang dalawa na nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agad namang naisugod sa pagamutan upang lapatan ng lunas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments