𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗩 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗣𝗔𝗦𝗔𝗗𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗠𝗔𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗔

Tuloy sa pamamasada ang ilang mga PUV drivers at operators sa lalawigan ng Pangasinan kahit pa Semana Santa.

Ayon sa ilang nakapanayam ng IFM Dagupan, wala rin naman daw magagawa sa bahay ang mga ito kaya’t maigi na tumuloy sila sa pamamasada.

Ayon din sa ilan, kahit pa Kwaresma ay inaasahan pa rin umano ng mga ito ang dagsa ng mga tao na papasyal at tutungo sa mga simbahan sa lalawigan.

Samantala, daing ngayon ng mga drivers ang muling pagsipa sa presyo ng krudo na malaking kabawasan mula sa arawang kita ng mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments