𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗘𝗕𝗢𝗧𝗢 𝗡𝗔𝗚-𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗩𝗜𝗦𝗜𝗧𝗔 𝗜𝗚𝗟𝗘𝗦𝗜𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗕𝗔’𝗧 𝗜𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗠𝗕𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡

Nag-umpisa nang dagsain ang iba’t ibang simbahan sa lalawigan, dahil sa mga debotong nagsasagawa ng tradisyunal na visita iglesia.

Ayon sa ilang mga deboto, tradisyon na at pamamanata na nilang isagawa ang aktibidad tuwing sasapit ang mahal na araw. Layon at nais nilang makabisita sa pitong simbahan sa lalawigan bilang simbolo ng huling pitong salita ng Panginoon.

Ilan na lamang sa mga dinadagsang binibisita na simbahan sa lalawigan ay ang Minor Basilica sa Manaoag at San Carlos, maging ng mga simbahan sa bayan ng Calasiao, San Fabian, Mangaldan, maging sa lungsod ng Dagupan, at mga karatig bayan.

Samantala, nakaantabay na rin ang hanay ng kapulisan sa mga posibleng dagsain na simbahan at iba pang pilgrimage sites para sa seguridad ng mga debotong bibisita. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments