𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗗𝗔, 𝗥𝗔𝗠𝗗𝗔𝗠 𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗠𝗔𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗔

Ramdam sa mga pampublikong pamilihan partikular sa Magsaysay Fish Market sa Dagupan City ang mas lumakas na bentahan sa mga produktong isda ngayong pagdaraos ng Mahal na Araw.

Ang bangus na isa sa mga higit tinatangkilik ngayon, naglalaro sa sa P130 hanggang P150 pesos sa kada kilo. Ang tilapia, nasa 90 hanggang 100 pesos at ang galunggong naman, nasa 160 pesos na rin ang kada kilo.

Mabenta na rin bago pa sumapit ang Semana Santa ang mga shellfishes tulad ng talaba, tahong, at lukan.

Nananatili sa kasalukuyang presyo ang mga nasabing produkto at ayon sa fish vendors, depende ang magiging price adjustment sa magiging suplay ng mga ito sa mga susunod na araw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments