𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗕𝗔𝗘 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗥𝗚𝗢𝗦, 𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗟𝗔𝗡𝗦𝗘

Nagresulta sa aksidenteng pagkamatay ng 48 anyos mula Brgy. Don Matias, Burgos na si Jocelyn Banzon matapos itong mawalan ng balanse at mahulog sa tulay sa Brgy. Tambacan sa nasabing bayan.

Nanggaling umano sa inuman ang biktima kasama ang pamilya nito nang nagpresentang ihatid sa bahay ang bayaw nito. Nilakad umano ng mga ito ang daan patungo sa bahay ng bayaw ng biktima nang biglang magsuka sa bridge barrier habang binabaybay ang tulay sa nasabing barangay. Dulot ng kalasingan ay nawalan umano ito ng balanse at nahulog sa tulay.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival matapos magtamo ng abdominal injuries at dislocation sa kaliwang siko nito buhat ng pagkakahulog. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments