𝗠𝗔𝗚 𝗔𝗦𝗔𝗪𝗔, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗟𝗢𝗢𝗕 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗟𝗢𝗡𝗔𝗡

Nagpapatuloy ang malalimang imbestigasyon sa posibleng dahilan ng pagkamatay ng mag asawa sa bayan ng Binalonan.

Nakilala ang mga biktima na mag asawang Ricardo at Ester Cueva parehong residente ng Brgy. Balangobong sa nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon, may hindi magandang amoy na nagmumula sa tahanan ng dalawa na dahilan upang ipagbigay alam sa mga otoridad.

Pagdating ng mga kapulisan ay tumambad sa kanilang ang mga walang buhay na mga biktima sa loob ng kanilang kusina.

Hindi rin umano naka lock ang main door ng bahay at nagkalat ang mga gamit sa bahay kung saan ay huling nakita ang mag asawa noong Martes. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments