𝗕𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗕𝗜𝗭𝗧𝗢𝗡𝗗𝗢, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗠𝗨𝗟𝗨𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗚

Nagulantang ang magsasaka na si Botbot Delos Santos matapos makita ang lumulutang na bangkay ng isang lalaki sa Sitio Riverside, Brgy. Galarin, Urbiztondo habang nagpapastol ng baka sa tabing-ilog alas sais nang umaga.

Ang bangkay, nakasuot ng jersey na may tatak na ‘Centro Aces’ sa harap at “Calangian” naman sa likod. Nakasuot din ito ng puting sando at maong pants.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Urbiztondo Police Station, may taas na 5’4″ o 5’6″feet ang bangkay at may edad na 30 hanggang 35 anyos.

Hinihinalang nalunod ang lalaki at tinangay ng malakas na agos patungo sa kinatagpuan ng bangkay.

Kasalukuyan pang hinihintay ang resulta ng post-mortem examination ng biktima. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments