𝟰𝟮°𝗖 𝗡𝗔 𝗛𝗘𝗔𝗧 𝗜𝗡𝗗𝗘𝗫, 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡

Nakapagtala ng nasa 42°C na heat index ang Lingayen LDRRMO sa bayan ng Lingayen ngayon araw, March 25, 2024.

Naranasan ang mainit na temperatura sa katawan sa naturang bayan bandang alas dos ng hapon kung saan madalas na maranasan ang peak ng init ng panahon.

Ang naturang heat index ay nakaaalarma sapagkat maaari na itong maging sanhi ng heat cramps, at heat exhaustion at kung patuloy pa na nakakaranas ng ganitong kainit ng temperatura sa katawan ay maaaring maranasan ang heat stroke.

Nagbigay paalala sa publiko ang LDRRMO na huwag magtatagal at lalabas sa matinding sikat ng araw, uminom ng maraming tubig, at mas mainam na i-schedule ang mga physical activities sa mga araw at oras kung saan may kalamigan ang temperature. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments