𝗠𝗚𝗔 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗣𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗩 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗦𝗜𝗦𝗜𝗞𝗔𝗣𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗜𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗨𝗧𝗔

Susubukang isali sa mga iba pang ruta ang mga Jeepney Drivers at Operators na hindi pa kasama sa PUV Consolidation sa buong lalawigan ng Pangasinan.

Sa naging panayam ng IFM dagupan kay Autopro One Pangasinan Federation President Bernard Tuliao, maliit na porsiyento na lamang ang mga hindi kasali sa PUV Consolidation sa kadahilanan na kulang ang mga miyembro o pumapasada na jeepneys.

Nakikipag ugnayan aniya sila sa LTFRB Region 1 kung pwede ba silang isali sa mga iba pang ruta na kulang din ang mga miyembro.

Sa mahigit tatlong libong transport sector sa Pangasinan malaking porsiyento naman na aniya ang kasali sa PUV Consolidation bago ang napipintong deadline nito sa susunod na buwan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments