𝗜𝗞𝗔-𝗟𝗔𝗕𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗝𝗨𝗦𝗧𝗜𝗖𝗘 𝗭𝗢𝗡𝗘 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗

Inilunsad ang ika-labing tatlong Justice Zone sa Dagupan City, kahapon, sa pangunguna ng Justice Sector Coordinating Council, Department of Justice, at ng Department of the Interior and Local Government.

Ang paglulunsad ng naturang Justice zone ay magsisilbing isang mahalagang hakbang tungo sa pagpapalakas pa ng justice sector sa ating bansa.

Layunin ng paglulunsad ng isa pang Justice zone sa lungsod na mapaigting pa at mas maging epektibong ugnayan at pagkakasunod ng mga kumplikadong reporma sa institution, at ipaalam ang mga hakbang na ito sa iba’t ibang stakeholder at sa sektor ng hustisya.

Ang Justice zone ay isang lugar kung saan isinasagawa at tinutukoy ng mga local justice sector agencies ang mga karaniwang problema at pagbibigay aksyon at solusyon sa mga suliranin na kinakaharap ng isang indibidwal o ng sino o ano man. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments