𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗥𝗡𝗘 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗠𝗔𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗕𝗔𝗚𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗠𝗔𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗔

Mabenta ang mga produktong karne sa mga pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan ilang araw bago ang pagdaos ng Kuwaresma.

Sa kasalukuyan, nananatili sa presyuhan ang manok na P180 per kilo habang ang baboy, naglalaro sa P340 hanggang P360 pesos ang kada kilo depende sa parteng bibilhin.

Ilang mga meat vendors, ikinatuwa ang nararanasang bahagyang dagsa ng tao upang makabili ng karne bagamat inaasahan din ng mga ito na tutumal na umano ang bentahan sa lalo na pagdating ng Miyerkules.

Ang mga consumers naman, sinusulit anila ng mga ito ang pagkain ng karne dahil itinigil pansamantala ang pagkain ng meat products ngayong Lenten Season.

Samantala, wala pang paggalaw simula nakaraang linggo hanggang sa kasalukuyan ang presyuhan ng mga produkto sa merkado. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments