𝗟𝗔𝗞𝗕𝗔𝗬 𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠 𝗡𝗚 𝗗𝗣𝗪𝗛, 𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗛𝗢𝗟𝗬 𝗪𝗘𝗘𝗞 𝟮𝟬𝟮𝟰

Aasahan na makikita sa mga strategic location sa national roads na itinakda ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga uniformed field and crew personnel ng kanilang tanggapan na bumubuo ng Lakbay Alalay Program para sa mga motorista sa semana santa ngayong taon.

Pangungunahan ng Maintenance Division ng DPWH Regional Office 1 ang Emergency Operation Center. Nakahanda na rin ang Quick Response Teams ng Equipment Management Division para sa mga anumang insidente sa kakalsadahan.

Sa lalawigan ng Pangasinan, naka-standby ang DPWH Lakbay Alalay Teams sa may MNR Palacpalac Pozzorubio; Linmansangan, Binalonan;Mangaldan-Manaoag-Binalonan Road;Anonas, Urdaneta City; at Carmen, Rosales.

Ang tanggapan naman ng DPWH 4th District Office ay naka-standby sa Maningding, Sta. Barbara; Urdaneta Junction – Dagupan Road; at Calasiao – Urdaneta Junction -Dagupan Road.

Layunin ng DPWH Regional Office 1 na maging ligtas at hassle-free ang paglalakbay ngayong Holy Week 2024.

Pag-aatas ni Regional Director Ronnel Tan sa mga personnel ng tanggapan ang paniniguro ng maayos, malinis, hindi nakakaabala at huwag pagmulan ng traffic ang mga kakalsadahan ngayong semana santa.

On deck sa loob ng 24 oras ang Lakbay Alalay Teams ng DPWH mula March 28-29. Patuloy din ang kanilang ugnayan sa Land Transportation Office (LTO), PNP at mga local government units. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments