𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗞𝗥𝗜𝗧𝗜𝗞𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗦𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗪𝗔 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗕𝗔𝗥𝗔

Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang isang singkwenta y singko anyos na tricycle driver matapos itong pagsasaksakin ng nakaalitang kapwa tricycle driver nito sa bayan ng Santa Barbara.

Ang biktima ay nakilalang si Rommel Domondon habang ang suspek ay nakilalang si Samuel Bornales mga residente ng nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon nasa kanilang terminal ang biktima pasado alas kwatro ng hapon nang dumating ang suspek at kinumpronta ito.

Dito na nagtalo ang dalawa na humantong sa suntukan kung saan ay biglang kumuha ng patalim sa kanyang tricycle ang suspek at agad na pinagsasaksak ang biktima.

Nagtamo ng stab wounds sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan at patuloy na inoobserbahan habang naaresto ang suspek ng mga rumespondeng pulis kasama ang patalim na ginamit nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments