
Cauayan City – Inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ng Tuguegarao City ang panukalang pansamantalang pagtaas ng pamasahe sa mga pampasaherong tricycle nitong ika-28 ng Abril.
βAng hakbang ay kaugnay ng hirit ng Kapisanan ng Tricycle Operators and Drivers Association (KATODA) dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
βSa ilalim ng panukala, madaragdagan ng β±4.00 ang regular na pamasahe sa tricycle sa buong lungsod. Magkakaroon naman ng β±5.00 dagdag-pasahe para sa rutang Namabbalan Norte at Namabbalan Sur.
βAyon sa konseho, hindi pa agad ipatutupad ang bagong singil kahit ito ay aprubado na dahil kinakailangan pa itong pirmahan ng alkalde upang tuluyang maging epektibo.
βHanggang sa hindi pa ito nalalagdaan, mananatiling umiiral ang kasalukuyang pamasahe habang naghihintay ng pinal na desisyon ng lokal na pamahalaan.









