Thursday, April 30, 2026

𝗔𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔, 𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗟𝗛𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗡𝗙𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢

CAUAYAN CITY – Nagtaas ng Buying Price ang National Food Authority para makatulong sa mga magsasaka ng Isabela na maibenta ang kanilang mga ani sa tama at maayos na presyo.

Ayon sa ahensya, naglalaro sa P27-30 ang presyo ng clean and dry, mas mataas kumpara sa mga pribadong buying station na bumibili sa halagang P25-26.

Para naman sa presyo ng labas sa clean and dry category, may iba’t-iba umano silang paraan para tukuyin kung magkano nila bibilhin ito kaya walang itanakdang presyo.

Samantala, lininaw naman ni Atty. Rick Ryan Lee V. Fabian, Assistant Branch Manager ng NFA Isabela, na ang presyo ay maaring magbago pa depende sa supply at demand sa merkado.

Mahigit 200,000 bags ang target ng ahensya na bilhin sa mga Isabelino. Ito ay alinsunod sa layunin ng NFA na protektahan ang mga rice farmers sa Isabela dahil isa ito sa Rice Granary ng ating bansa.

Sa kasalukuyan, dinadagsa na ng mga magsasaka ang iba’t-ibang bodega ng NFA para magbenta ng kanilang produkto sa pag-asang madagdagan ang kita dahil sa itinaas na presyo.

Facebook Comments