𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗬 𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗦𝗢 𝗔𝗧 𝗣𝗨𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗧𝗔. 𝗕𝗔𝗥𝗕𝗔𝗥𝗔, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗦𝗣𝗢𝗡𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘 𝗣𝗘𝗧 𝗢𝗪𝗡𝗘𝗥𝗦𝗛𝗜𝗣

Nagbigay ng paalala sa mga residente ang munisipalidad ng Sta. Barbara ukol sa responsible pet ownership ng mga may alagang aso at pusa sa kanilang lugar.

Dapat umanong maging responsable sa mga alagang aso ang mga may ari lalo at hindi biro ang banta ng rabies sa oras na makakagat at makapang-biktima ang mga alagang aso o pusa.

Sa official facebook page ng Municipality of Sta. Barbara, nakasaad roon ang pagbibigay ng kahalagahan sa batas ukol sa responsible pet ownership o Republic act 9482 Anti-Rabies Act of 2007 kung saan nakapaloob rito ang pagre-require sa mga pet owners na maging responsable sa kanilang mga alaga at huwag hahayaang gumala sa kakalsadahan.

Ang sino mang lumabag sa naturang batas ay haharap sa karampatang parusa na multa tulad ng 500 pesos na multa sa mga alagang aso na hindi nakatali at pagala-gala, mga amo na ayaw pabakunahan ang mga aso na may multang 2,000 pesos, at 10,000 na multa naman kung sakaling makakagat ang alagang aso ng walang bakuna.

Kung sakali namang ayaw tulungan ng may-ari ng aso nakakagat ang biktima nito ay may multang 25,000 pesos. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments