Monday, May 4, 2026

𝗦𝗨𝗡𝗢𝗚, 𝗦𝗨𝗠𝗜𝗞𝗟𝗔𝗕 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗦𝗧𝗢. 𝗧𝗢𝗠𝗔𝗦, 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔

Cauayan City — Maswerteng walang nasaktan matapos na sumiklab ang sunog sa isang bahay sa Brgy. Biga Oriental, Sto. Tomas, Isabela.

Agarang rumesponde ang mga tauhan ng Sto. Tomas Police Station at Bureau of Fire Protection (BFP) Sto. Tomas sa isang insidente ng sunog na sumiklab sa Brgy. Biga Oriental noong umaga ng Mayo 1.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng report ang mga awtoridad hinggil sa nasusunog na bahay sa nasabing lugar dahilan upang agad na na rumesponde ang pulisya at mga bumbero upang apulahin ang apoy at tulungan ang mga residente na makalikas.

Dahil sa mabilis na aksyon ng mga rumespondeng awtoridad, mabilis na nakontrol ang sunog at napigilan ang pagkalat nito sa mga kalapit na kabahayan.

Sa kabutihang palad, wala namang naiulat na nasaktan o nasawi, habang patuloy pang inaalam ang sanhi ng sunog at kabuuang halaga ng pinsala.

Nagpasalamat naman ang may-ari ng nasunog na bahay dahil sa agarang pagdating at tulong dahil bagamat may pinsala ang kanilang tahanan, ligtas naman ang kanilang buong pamilya.

Patuloy ding hinihikayat ang publiko na maging alerto at makipagtulungan sa mga awtoridad upang mapanatili ang kaligtasan sa komunidad.

Facebook Comments