Monday, May 4, 2026

๐—ก๐—ข. ๐Ÿฑ ๐— ๐—ข๐—ฆ๐—ง ๐—ช๐—”๐—ก๐—ง๐—˜๐—— ๐—ฆ๐—” ๐—ฅ๐—˜๐—š๐—œ๐—ข๐—ก ๐Ÿฎ, ๐—ง๐—œ๐— ๐—•๐—ข๐—š ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฅ๐—”๐—ฃ๐—˜ ๐—”๐—ง ๐—ฆ๐—˜๐—ซ๐—จ๐—”๐—Ÿ ๐—”๐—•๐—จ๐—ฆ๐—˜

Cauayan City – Naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaking nakalista sa No. 5 Top Most Wanted Person sa Region 2 kaugnay ng ibaโ€™t ibang mabibigat na kasong may kinalaman sa pang-aabusong sekswal.

Kinilala ang suspek na si alyas โ€œKardo,โ€ 40 taong gulang, magsasaka at residente ng Brgy. District 3, San Manuel, Isabela.

Nahaharap ang akusado sa apat na bilang ng Rape sa ilalim ng Revised Penal Code Article 266-A na inamyendahan ng Republic Act 8353, Statutory Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Article 336 kaugnay ng Republic Act 7610, Rape by Sexual Assault, at Statutory Rape sa ilalim ng Article 266-B (5) ng Revised Penal Code.

Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest kung saan walang inirekomendang piyansa ang apat na kaso ng rape at statutory rape. May inirekomenda namang piyansa na โ‚ฑ108,000 para sa acts of lasciviousness at โ‚ฑ200,000 para sa rape by sexual assault.

Ayon kay Police Colonel Manuel B Bringas, Provincial Director IPPO, patunay ng walang humpay na pagsisikap ng kapulisan na maihatid ang hustisya sa mga biktima at mapanagot ang mga lumalabag sa batas.

Ang operasyon ay isinagawa sa ilalim ng pangangasiwa ng Philippine National Police bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad, at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Facebook Comments